Home ENTERTAINMENT Kris, nagpaka-faney kina Heart at Jerico!

Kris, nagpaka-faney kina Heart at Jerico!

Maraming fans ang muling pinakilig ng dating magkasintahang sina Heart Evangelista at Jerico Rosales when the latter attended a recent showbiz event.

Nanumbalik kasi sa mga ito ang panahong very much in love with each other ang dalawa.

Beautiful memories, however, are all that remain.

As everybody knows, masaya na sa piling ng kani-kanilang partners sina Heart at Jerico.

Si Heart kay Senator Chiz Escudero, si Jerico kay Kim Jones.

Isa nga sa mga fans ng dating real-life couple ay si Kris Bernal.

Admittedly giddy over seeing Heart and Jerico, ani Kris ay hindi siya uuwi without having pictures taken of her kasama ang dalawa.

Inabangan talaga ni Kris ang kanyang actress-idol sa entrance ng event venue.

Nang makita raw ni Heart ay ito pa ang unang bumati sa kanya and willingly posed for a selfie.

Matatandaang taong 2020 nang akusahan si Kris ng panggagaya kay Heart.

Pero aninado si Kris na ultimo signature bag o jewelry or even Heart’s aura ay hindi niya kering gayahin.

As for Jeeico, talagang sinundan pa raw niya ito hanggang parking lot para makapagpa-selfie.

Itinururing na dream come true ni Kris na makita’t makadaupang-palad ang iniidolo niyang dating loveteam.

“Ay, nagpaka-faney talaga ako!” pagbibida ni Kris who has nice words for the erstwhile couple. Ronnie Carrasco III

Previous articleIsko, tanggap na no. 2 sa EB ang TP!
Next articleSuspected NPA rebel patay sa Agusan clash