Manila, Philippines – Grabe ang supply ni Kris Bernal ng kanyang mismong breast milk.
In 10 minutes ay nakapuno na si Kris ng dalawang feeding bottles para ipadede sa firstborn nila ni Perry Choi na si Hailee Lucca.
Kunsabagay, compared to formula milk, ayon nga sa advertising tagline ng mga ito: “Breastmilk is still best for babies.”
Not only is breastmilk healthy, it also enhances the development of babies.
Not only that, nade-develop pa ang bonding between the mother and her baby.
Take it from Angelica Panganiban, mahirap man daw ang magpadede kay Baby Amila Sabine ay walang kasing-rewarding at fulfilling ito.
Ito rin ang nararamdaman ni Kris kay Baby Hailee na marami ang nagsasabi has gotten her features from her dad.
Pero dahil baby pa, expect changes in how Baby Hailee looks as she grows.
Consistent talaga si Kris when it comes to documentation.
Noong ipinagbubuntis pa lang niya si Baby Hailee, bawat kibot niya was never without a photo splashed on social media.
Si Kris na yata ang most photographed pregnant celebrity, and here comes her mommy duties na proud din niyang dino-document ang gatas mula mismo sa kanyang breasts.
Naimadyin na ng mga netizens ang panay-panay na pagpo-post ni Kris habang lumalaki si Hailee.
At least, hindi siya kamukha ng ibang celebrity mothers na maramot sa pagse-share ng mga larawan ng kanilang bagong panganak na baby.
O ‘di kaya’y magpo-post nga ng pictures pero putol naman, hindi pa kita ang buong mukha!
Kaya naba-bash tuloy, ‘di ba, Jessy Mendiola? Ronnie Carrasco III