Home ENTERTAINMENT Kris, pinagalitan ang supporter sa IG!

Kris, pinagalitan ang supporter sa IG!

Manila, Philippines – Hopefully, isa sa mga aabangang panayam ni Jessica Soho for her GMA Sunday show is that with Kris Aquino.

Ayon mismo kay Kris in her Instagram account, she’s seeing Jessica end of October “if my immunity hasn’t stopped!”

Ikinatuwa naman ‘yon ng maraming netizens.

Kung matutuloy nga naman ay tiyak na magtatala ang episode na ‘yon ng mataas na ratings.

May mga nagwi-wish ding kahit weekend man lang daw ay magkaroon ng talk show si Kris.

So far, puro positive rin ang sagot ni Kris maliban sa isang may IG user na krisaquinoworld.

Ito’y binubuo ng mga tagasuporta ni Kris.

Post nito: “You’re always in our prayers!”

But Kris wasn’t exactly happy about it.

Sa halip ay sinermunan pa niya ito as she commented: “Please stop being used and spreading info that’s not from me or Alvin. I don’t lie, I just choose when to time my

medical updates.”

Ang Alvin na tinutukoy ni Kris ay ang kanyang trusted assistant who’s been with her for the longest time.

Kasa-kasama rin niya ito sa Amerika.

Naloka tuloy ang naturang IG user sa sagot ni Kris.

Siya na nga raw itong ipinagdarasal na sana’y gumaling na’t makauwi ng bansa pero napagalitan pa!

Napa-“Juice colored!” na nga lang ang user, sabay sabing si Kris daw, gustong laging pabor sa kanya ang lahat.

Well, intindihin na lang nila ang kalagayan ni Kris yaman din lang they claim to love her.

Take Kris for who she is and for who she is not. Ronnie Carrasco III

Previous articleUS walang pang planong rumesbak sa Israel war
Next articleCarla, bet gumawa ng GL project!