Home ENTERTAINMENT Kris, ‘pinamanahan’ ng mga LV shoes si Moira!

Kris, ‘pinamanahan’ ng mga LV shoes si Moira!

Manila, Philippines- To the moon and beyond ang pasasalamat ni Moira de la Torre kay Kris Aquino sa pagiging overly generous nito.

Guess kung sa paanong paraan ipinadama ng Queen of All Media ang kanyang pagiging bukas-palad?

Sagot: by showering the singer-songwriter with several pairs of Louie Vuitton shoes!

Ayon kay Moira, marahil daw ay hindi alam ng marami that she and Kris have developed friendship onstage as well as offstage.

“Tita Kris” nga ang tawag ni Moira sa kanyang shoe giver.

Feeling ni Moira, siguro raw ay nabalitaan ni Kris na kokonti lang ang pares ng kanyang sapatos.

Magkahalong gulat at na-touch nga si Moira nang dumating sa kanya ang sandamakmak na LV shoes from Kris.

Ang masaklap lang, Moira and Kris don’t share the same shoe size.

Meaning, wala ni isang pares ng sapatos na “ipinamana” ni Kris ang mapapakinabangan ni Moira.

Still, LV pa rin ‘yon!

Now at her disposal, Moira can sell those pairs or swap them with shoes na kasukat ng paa niya.

At best, anong ginagawa ni Boss Toyo na namimili ng gamit ng mga sikat na celebrity?

Anyway, pinasalamatan din ni Moira ang pagpapadala sa kanya ni Kris ng random messages.

What’s heart-tugging in those messages is the fact that they contain words of encouragement.

Hindi kasi lingid kay Moira ang pinagdadaanan ni Kris pertaining to her health condition, yet siya pa itong nagbibigay ng encouraging words in dealing with life. Ronnie Carrasco III

Previous articleFESSAP-APUG 3×3 Philippines didribol sa Marso 15-17
Next articleAJ Edu sinigurong lalaro sa Gilas sa Paris Olympic qualifiers