Home ENTERTAINMENT Kris, proud sa maitim na kilikili, batok at singit!

Kris, proud sa maitim na kilikili, batok at singit!

621
0

Manila, Philippines – Expectant mother.

Ito ang angkop na paglalarawan kay Kris Bernal na nasa huling trimester na ng kanyang pagbubuntis.

Tila nag-360 degree-turn ang aktres with the way she looks at her pregnant state.

Matatandaang halos isumpa niya ang kanyang hitsura habang dinadala sa kanyang sinapupunan ang magiging panganay nila ng asawang si Perry Choi.

Nag-set in daw kasi kay Kris ang feelings of insecurity.

Nagbago nga naman kasi ang kanyang pangangatawan.

She feels bloated, madaling mapagod at mabagal kumilos.

In her latest Instagram Stories, nag-real talk si Kris.

May mala-checklist siya ng mga pinagdadaanang physical changes.

Dark armpits or nangingitim na kilikili: check!

Nangingitim na batok: check!

Nangingitim na singit: check!

Plus stretch marks: check!

Gayunpaman, Kris seems to have overcome all this.

Caption ng kanyang real talk post: “But it doesn’t mean I’m ungrateful. It’s reality!”

Nasanay nga naman si Kris sa kanyang mala-anorexic na pangangatawan, and here she is, having gained weight dahil nga nasa kagampan siya.

It will be recalled na kakaiba ang ginawang anunsyo ng mag-asawang Perry at Kris sa social media tungkol sa pagbubuntis ng huli.

Mala-movie poster ang ipinost nila kung saan makikita sa background ang sari-saring laruan.

With all these marks popping out, wala ring inilayo si Kris kay Andi Eigenmann na proud ding ibalandra ang kanyang mga nagmumurang kamot in her two-piece bikini.

An important message to be learned here: no to body shaming! Ronnie Carrasco III

Previous articleNational Flag Day!
Next articleTurismo sa 5 bayan sa Aurora suspendido sa hagupit ni #BettyPh

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here