Home ENTERTAINMENT Kris, sinabihang nakarma sa masamang ugali, pumalag!

Kris, sinabihang nakarma sa masamang ugali, pumalag!

Los Angeles, USA – Tulad ninuman, maging si Kris Aquino ay dumaranas ng human frailties.

Sa usapin tungkol sa kalusugan, it’s a universal fact that none of us is invincible.

No one–not even the strong–is spared from whatever illness.
Hindi lingid sa kaalaman ng marami ang health condition na pinagdaraanan ni Kris.

Kaso, the problem with some people, sa halip na magkaroon sila ng empathy o compassion ay nakukuha pang magbunyi.
Take the case of a netizen whose comment on Instagram ay hindi pinalampas ni Kris.

Anito: “Masama kasi ang ugali kaya nakakarma! Char!”

Sa kabila ng kanyang kundisyon ay pinalagan ni Kris ang komentong ‘yon na ngayo’y burado na.

Sagot ng Queen of All Media: “Obviuosly not as awful as yours as I have always made a conscious effort not to judge people I’ve never had any encounter with.”

Hindi pa roon natapos ang panenermon ni Kris.

May linya kasi siyang binitawan sa aspetong nakakarma daw siya dahil sa kanyang masamang ugali.

Patuloy ni Kris: “Illness isn’t karma. It’s God’s way of using my trials to show that faith heals in time.”

Matatandaang sa Valentine episode ng Fast Talk with Boy Abunda that coincided with Kris’ 53rd birthday, nagpapasalamat pa rin siya sa Panginoon sa kabila ng kanyang kalagayan, sabay pakiusap ng dagdag pang panalangin para sa kanya.

“I refuse to die,” ani Kris whose message the next day contained her fear it could be her “last birthday on earth.”

God forbid. Ronnie Carrasco III

Previous articleMAGKA-HOLDING HANDS KAHIT SA EUTHANASIA
Next articleMetro Manila Subway pagaganahin ng Meralco