Home ENTERTAINMENT Kris tuloy ang laban vs posibleng lupus

Kris tuloy ang laban vs posibleng lupus

California, USA – Sa kanyang Instagram account ibinuhos ni Kris Aquino ang kanyang nadarama sa resulta ng kanyang latest blood panel.

Kasabay ng pagbibigay ng update sa kanyang health condition, Kris took to IG her apology kung bakit wala siyang post ng nakaraang Thanksgiving Day.

Nag-spill over kasi ito hanggang Pasko’t Bagong Taon.

Inamin ni Kris na masama raw ang kanyang pakiramdam.

Idagdag pa ang kawalan niya ng ganang kumain, pero nanumbalik na raw ang kanyang appetite as no one else would take in food for her.

Nabawasan din daw ang timbang niya.

To make matters worse, mukhang may isang uri ng autoimmune disease na dumagdag sa kanyang pasanin.

“I’m now at the early stage of SLE or what is commonly called as lupus,” ani Kris.

Ang lupus ang most common form ng autoimmune disease.

Sa kabila ng kanyang pinagdaraanan, nakakabilib ang will to survive ni Kris.

Summing it all up, ayon kay Kris: “Laban lang!”

Ang mga katagang ito mula sa mga taong hindi kilala ni Kris ang patuloy na nagpapalakas ng kanyang loob to never give up fighting kahit na napaiyak siya sa result ng blood panel.

Time and again ay sinasabi ni Kris na kailangan niyang malampasan ang kanyang sakit alang-alang sa kanyang dalawang anak. Ronnie Carrasco III

Previous articleQuiboloy ‘no show’ sa Senate probe
Next articleKarla, nakabili na ng bahay sa South!