Home HOME BANNER STORY Kudeta vs Zubiri itinanggi ng mayorya ng Senado

Kudeta vs Zubiri itinanggi ng mayorya ng Senado

MANILA, Philippines – Lumutang nitong weekend ang espekulasyong planong pagpapatalsik kay Pangulong Juan Miguel Zubiri sa kanyang posisyon.

Agad naman sinalag ito ng majority block ng Senado at pinabulaanan ang espekulasyon na ilang senador ang lumagda sa isang resolusyon na naglalayong palitan si Zubiri bilang Senate president.

Dagdag pa ng majority block na ang nasabing hakbang ay isang pagtatangka na siraan ang Mataas na Kapulungan, sinabi ng mga senador nitong Lunes, Pebrero 19.

Kabilang sa majority block sina Senate Majority Leader Joel Villanueva, Senate President Pro Tempore Loren Legarda, Senators Imee Marcos, Nancy Binay, Grace Poe, JV Ejercito, Sonny Angara, Francis Tolentino, Ronald dela Rosa, Sherwin Gatchalian, at Jinggoy Estrada.

Sa isang panayam, sinabi ni Zubiri na narinig niya ang diumano’y pakana noong nakaraang linggo.

“I serve at the pleasure of my colleagues. I am highly honored to serve at the pleasure of my colleagues. Ganon na lang naman yan. I leave it to the wisdom of my majority,” ani Zubiri.

“Alam mo naman, there is a concerted effort to discredit the Senate. Nalaman ko pa ‘yan last week pa,” komento ni Zubiri ukol sa tanong kung saan nagsimula ang nasabing espekulasyon.

Sinabi ng Pangulo ng Senado na nakikipag-usap siya sa kanyang mga kasamahan, at idinagdag na ang ibang mga senador ay walang kamalayan sa naturang pakana. RNT

Previous article‘Eddie Garcia’ bill aprub na sa Senado
Next articleTiktok ‘di ipagbabawal sa PNP