
ANIM na pagkilala ang tinanggap at inani ng
Visayas Command mula sa kinabibilangan nitong
Armed Forces of the Philippines o Sandatahang
Lakas ng Pilipinas.
Ang pagkilala ay dahil sa matagumpay nitong paglupig sa pwersa ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army sa mga enkwentro nito at pakikipag-ugnayan sa mga komunidad doon.
Nakamit ng VisCom ang pagkilala dahil sa pagsisikap nitong malupig sa pagsasagawa ng ‘internal security operations’ sa Visayas na ikinabuwag ng mga mapanggulong mga
komunistang-terorista sa unang anim na buwan ng
2023.
Sa ulat na unang inilabas ng AFP , na-‘neutralize’ ng
VisCom ang 156 miyembro ng NPA.
Ang sabi ni VisCom spokesperson LtCol. Israel
Galoria sa 156 na na-neutralized, 103 sa kanila ay
nagbalik-loob na sa pamahalaan samantalang 42
ang mga namatay sa mga enkwentro at labing-isa
ang naaresto ng magkasanib na puwersa ng
pamahalaan.
Bukod sa pagkakalansag, nakumpiska ng VisCom
ang 223 mga baril at 82 anti-personnel mines. At sa
nasabing bilang ng NPA, 12 ang ‘high-value
individuals’.
Isa na roon si Rogelio Posadas, ang mapanganib na
secretary ng Komiteng Rehiyon Negros, Cebu,
Bohol, Siquijor, KR NCBS. Napatay si Posadas noong Abril 20, 2023 nang makipaglaban sa awtoridad sa Binalbagan, Negros Occidental.
Kaya naman naipagmalaki agad ni AFP VisCom
commander LtGen Benedict Arevalo, na dumadanas
nang pagkagapi ang mga NPA noon pa lang Abril
hanggang Mayo dahil sa masugid na pakikipaglaban
ng mga tropa ng pamahalaan sa mga
kasinungalingang ikinakalat ng mga komunistang-
terorista para lokohin ang mga residente sa lugar.
Ako man ay nakikiisa sa pagbati at pagkilala sa
lahat ng kasapi ng VisCom sa kanilang
kabayanihang ipinamalas para sa bansa at kapwa
Filipino.
Di gaya ng CPP-NPA-NDF na walang ginawa kundi
ang samantalahin ang kahinaan ng ating mga
kababayan sa mga kanayunan at pumapatay ng
kapwa nila Filipino.
Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh!