Kulay puting paniki, namataan sa Davao del Norte

Kulay puting paniki, namataan sa Davao del Norte

May 22, 2020 @ 8:36 AM 6 days ago

  •  
  •  
  •  
Share

Davao del Norte – Namataan sa lungsod ng Samal ang isang paniking kulay puti, ayon sa ulat.

Batay sa impormasyon, sinabi ng isang Gigi Senajonon na noong Mayo 10 natagpuan ng kanyang tiyuhin ang paniki.

“Nakita niya po na may tinangay yung uwak kaya binato niya po yung uwak. Akala niya po yung sisiw ng alagang manok niya po yung tinangay ng uwak,” kwento ni Senajonon.

“Nung nilapitan niya po yung (ang inakalang sisiw) doon niya na po nakita yung puting paniki po. Sa tanang buhay po niya ngayon lang po siya nakakita ng puting paniki,” dagdag pa nito.

Nagkasugat umano ang paniki at nabutas din ang pakpak nito ngunit tatlong araw ang nakalipas ay wala na ito sa punong kanyang dinapuan.

Samantala, para kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) undersecretary Benny Antiporda, hindi dapat katakutan ang naturang paniki na isa umanong uri ng fruit bat.

Posible aniyang nagkaroon ng genitic abnormality ang paniki kaya ito naging puti o “albino.”

Giit pa ni Antiporda, hindi dapat itong ituring na malas sapagkat wala itong katotohanan bagkus ay may malaki pa silang tulong sa kalikasan dahil naikakalat nila ang binhi ng mga prutas na kanilang kinakain. RNT/FGDC

Share

Leave a Reply

Loading...