Home HOME BANNER STORY Kultong pinararatangan ng pangmomolestya sa kabataan, nagpaliwanag

Kultong pinararatangan ng pangmomolestya sa kabataan, nagpaliwanag

Screengrab from Senator Risa Hontiveros' Facebook

MANILA, Philippines – Itinanggi ng Socorro Bayanihan Services ang mga paratang laban sa kanila.

Ito ay matapos ang isiniwalat at nais paimbestigahan ni Senator Risa Hontiveros ang pangmomolestya umano sa mga kabataang kasapi sa pamamagitan ng child marriage at rape.

“Fabricated lies ‘yan kaya nga we are filing… a case for Kidnapping and Serious Illegal Detention. Na sa piskalya na ‘yan kasi sila yung kumidnap sa mga bata… At sinulsulan pa nila. Naggawa pa ng mga affidavit parang fabricated,” ayon kay  dating Board Member na three-term Socorro Mayor na si Mamerto Galanida, na siya ring Vice President ng Socorro Bayanihan Services.

Itinanggi rin ng miyembro nito na kinilalang si Ralna Diane dela Peña, na may mga armas sila at may koneksyon sa ilegal na droga.

“Pumunta na po dito ‘yung mga pulis, they conducted their investigation sa province, our region. Negative po kasi wala po kami talaga ditong drugs,” ani dela Peña.

“At even may mga lumalabas na po na armas, intelligence reports from the CID sa ibang ahensya ng pulis even from our governor even confirmed na wala po ditong armas wala din pong drugs,” patuloy niya.

Sa ngayon ay pinaiimbestigahan ni Senator Risa Hontiveros ang nasabing insidente matapos na makatakas umano ang walong kabataan mula sa kulto at magsuplong sa kinauukulan.

Noong Hulyo, walong kabataan umano ang nakatakas mula sa kulto at humingi ng tulong sa lokal na pamahalaan pero isa sa mga ito ang ibinalik sa Kapihan.

“We need to save those children. It is our duty not just as senators, but also as parents, as human beings, to save children in most need of our help,” aniya.

Sinabi PA ni Hontiveros na kamakailan lang ay nagpunta pa sa Senado si Senior Agila nang manalo sa international event sa South Korea ang performing group na Omega de Salonera.

“Si Senior Aguila mismo – ang rapist ng mga bata, ang facilitator ng child marriage – ay nakatapak pa sa ating Senado at nagpa-picture pa sa atin na mga Senador. Alam ko, hindi natin ito alam, mga colleagues. Dahil lagi naman may nagpapa-picture sa atin,” saad niya. RNT

Previous articleSirit-presyo sa bigas sinisi ni PBBM sa maramihang pagbili ng Asian countries vs El Niño
Next articlePH boxers sasabak sa mas mabibigat  na division sa Asian Games

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here