MANILA, Philippines – Ibinahagi ng Department of Tourism (DOT) nitong Miyerkules, Mayo 24 na ang bagong tourism slogan ay tututok sa pagpapakilala sa kultura at kasaysayan ng bansa.
Ito ang magiging kapalit ng kasalukuyang slogan na “It’s More Fun in the Philippines” na inilunsad noong 2012.
“We’re grateful for the gains that have been made by the previous administrations in terms of pushing for the existing slogan,” sinabi ni Tourism Secretary Cristina Frasco sa Kapihan sa Manila Bay forum.
“But at the same time we would like to give our country an opportunity to reintroduce itself to the world not just as a fun destination, which it will continue to be, but also as a treasure trove of culture, of heritage, of history, of love and warmth and the sheer talent of our artisans, makers, small and medium enterprises, as well as the burning private place of our fellow Filipinos regionally,” dagdag pa niya.
“The stories of Filipinos have yet to be told in full, and we intend to do that with an enhanced branding campaign,” pagpapatuloy ni Frasco.
Aniya, kasalukuyan pa ring nagsasagawa ng
“white market study” sa kasalukuyang tourism campaign at nasa proseso pa sila ng pagpapaunlad sa kampanya, sabay-sabing hindi ito agad-agad ilulunsad nang hindi kumokonsulta sa stakeholders.
“So this is literally in the works right now,” ani Frasco.
Sa kabila nito, nilinaw ni Frasco na hindi lamang sila aasa sa branding campaign kundi tututukan pa rin ang kahalagahan ng
product development at pagpapabuti sa turismo ng Pilipinas, kabilang ang tourism investments at iba pang prayoridad ng administrasyong Marcos. RNT/JGC