Home NATIONWIDE Kulungan para sa heinous crimes, itatayo sa OccMin – Catapang

Kulungan para sa heinous crimes, itatayo sa OccMin – Catapang

99
0

MANILA, Philippines- Itatayo sang unang prison facility para sa heinous crimes sa bansa sa Occidental Mindoro, ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) acting Director General Gregorio Catapang Jr.

Sa ilalim ng Republic Act 11928 o Separate Facility for Heinous Crimes Act, rekisitos ang pagtatayo ng tatlong heinous crimes facilities sa Luzon, sa Visayas, at isa pa sa Mindanao.

“This will be a maximum colony where everything is monitored. Lahat high-tech, top of line technology-driven facility that will not allow gadgets, contact with outside people,” sabi niya.

Idinagdag niya na itatayo ang heinous crimes facilities sa paraang hindi mapapasok ng kontrabando.

Nakipagkita si Catapang kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla  at iprinisenta ang BuCor Development for 2023 to 2028.

Nauna nang tinawag ni Remulla ang heinous crimes prison bilang “supermax” prison facility kung saan kasya ang 2,500 preso.

Target itong simulan ngayong taon. RNT/SA

Previous articlePagtatalaga ng karagdagang disaster response teams sa Pinas, target ng DSWD chief
Next articleBoss Vic, nakahanap ng katapat!