Home METRO Kumalat na video ni Ronaldo Valdez pinatatalupan ni Belmonte

Kumalat na video ni Ronaldo Valdez pinatatalupan ni Belmonte

MANILA, Philippines- Inatasan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang kapulisan ng lungsod na imbetigahan ang kumalat na video kung saan makikita umano ang bangkay ng pumanaw na beteranong aktor na si Ronaldo Valdez.

Inihayag ni Belmonte nitong Huwebes na ipinag-utos niya kay Quezon City Police District (QCPD) Director Police Brigadier General Redrico Maranan na maglunsad ng imbestigasyon laban sa mga sangkot na tauhan at magpatupad ng kaukulang parusa sa mga mapapatunayang responsable sa pagkalat ng video.

“This is a breach of privacy and basic human decency against the individual and his bereaved family,” anang alkalde.

Pumanaw ang 77-anyos na aktor nitong December 17, 2023. Naiwan niya ang kanyang asawang si Marife Gibbs at kanilang mga anak na sina Janno at Melissa Gibbs.

Bilang tugon sa video, sinabi ni Belmonte “a thorough review of all protocols in conducting emergency response and investigation should be conducted, with respect to the rights of all parties in a case”.

Ayon kay Belmonte, dapat magsagawa ng police procedures nang hindi lumalabag sa confidentiality.

Hiniling din niya sa publiko na huwag ipakalat ang video bilang paggalang sa pamilya ng pumanaw na aktor.

“It is highly distasteful for anyone to use the sad and unfortunate demise of an individual to gain social media mileage and popularity,” aniya.

Sa briefing nitong Miyerkules, inanunsyo ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na inalis sa pwesto ang first responder at station commander ng responder bilangr resulta ng umano’y leak.

Habang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon sa kanilang pananagutan, nahaharap ang mga sinibak na pulis sa administrative at criminal charges sa pagkalat ng nasabing video.

“This is a regrettable incident na hindi dapat kumalat sa social media,” ani Fajardo.

Samantala, humiling ang aktor na si Janno Gibbs sa kanyang post sa Instagram ng privacy upang ipagluksa ang pagkamatay ng ama.

“The family would like to request that you respect our privacy in our grieving moment. Your prayers and condolences are much appreciated,” wika niya. RNT/SA

Previous articlePinas may 440 bagong COVID cases
Next articlePasig River Ferry ops suspendido sa holidays