Home NATIONWIDE Kumander ng Hamas, 4 iba pang senior leader napatay sa opensiba ng...

Kumander ng Hamas, 4 iba pang senior leader napatay sa opensiba ng Israel

MANILA, Philippines – Sinabi ng military wing ng Hamas nitong Linggo, Nobyembre 26, na napatay sa opensiba ng Israel ang commander ng northern brigade at apat iba pang senior leaders ng Hamas.

Sa pahayag, sinabi ni Ezzedine Al-Qassam Brigades na si Ahmed al-Ghandour ay miyembro ng military council nito, at pinangalanan ang tatlo iba pa, kabilang si Ayman Siyyam, head ng rocket division, habang kinumpirma ng West Bank branch ng grupo ang pagkasawi ng isa pa nilang lider.

“We pledge to Allah we will continue their path and that their blood will be a light for the mujahedeen and a fire for the occupiers,” saad sa pahayag.

Kinumpirma rin ng Israeli army na nakapatay sila ng “five senior commanders.”

Kinilala nito si Ghandour bilang “a leading figure in the planning and execution of the October 7 massacre” nang lumusob ang Hamas sa southern Israel at kumitil sa buhay ng 1,200 katao na karamihan ay sibilyan.

Nagresulta ito sa bakbakan sa pagitan ng Hamas at Israel, na kumitil naman sa buhay ng 15,000 Palestinians, karamihan ay mga bata.

Sinabi ng army na pinangunahan ni Ghandour ang isa sa limang regional brigades, military wing ng Hamas, sa Gaza Strip.

Siya ay “responsible for directing all Hamas’s terror activities” sa northern Gaza, at nagpatupad ng “shootings, bombings and rocket launches” at mga pag-atake sa West Bank.

Kinilala naman si Siyyam bilang senior figure na namumuno sa rockets division ng Hamas “for approximately 15 years”.

Dagdag pa sa sinabi ng Israeli army na mga nasawi, si Wael Rajab, ay inilarawan naman bilang deputy ni Ghandour at dating police chief sa northern Gaza, kasama si Raafat Salman, senior operative sa Qassam Gaza City Brigade na kasama sa pagplano sa motorised glider infiltration noong Oktubre 7.

Ang ikalimang napatay na commander, ayon sa militar, ay si Farsan Khalifa, senior operative ng Hamas West Bank headquarters na “aided and was close to” sa Gaza leadership.

Ayon sa Israeli army, sina Ghandour, Siyyam, at Khalifa ay napatay sa magkaparehong strike.

Hindi naman binanggit kung saan at kailan ito nangyari. RNT/JGC

Previous articleAmnesty ni PBBM malugod na tinanggap ng MILF
Next article60K fans ang nagtipon sa concert ng NCT 127 sa Seoul