Manila, Philippines – “Reliable” kung ilarawan ni Cristy Fermin ang pinanggalingan ng iniulat niya sa Showbiz Now Na na sa TV5 lilipat ang Eat Bulaga.
Pagpapatuloy pa rin ito ng masalimuot na kuwentong bumabalot sa longest-running noontime show ng bansa.
Ayon kay Cristy, isang reliable source ang nagparating sa kanya na nakatakda na raw lumipat ang Eat Bulaga mula sa GMA patungong TV5.
To substantiate the story, ayon sa veteran showbiz writer at online host, may “secret meeting” umanong nagaganap sa pagitan ni Tito Sotto at isang TV producer na willing sumalo sa nasabing programa.
Tatlo umano ang producer na interesadong saluhin ang EB bunsod ng problema nito sa Tape, Inc. na producer nito.
Ang Tape, Inc. ay pag-aari ni dating Congressman Romeo Jalosjos whose children have taken the reins.
Dagdag impormasyon pa ni Cristy, nagkaroon na raw ng headcount sa hanay ng mga co-hosts ng EB kung sino sa kanila ang sasama sa paglipat at sino naman ang magpapaiwan.
Dabarkads ang popular na katawagan sa mga hosts ng nearly 44-year-old program.
Sa isinagawa ngang internal survey among the EB hosts, unanimous daw ang desisyon ng mga ito na sasama sila kung saan ang direksyon patungo ang programa.
Sa ngayon daw ay go-signal na lang daw nina Tito at Vic Sotto at Joey de Leon or collectively known as TVJ ang hinihintay ng producer na lihim na nakikipagpulong with the elder Sotto.
Minsan nang nilinaw ng comic trio na ang Tape, Inc. ang may kontrata sa GMA.
Hindi raw nito sakop ang Eat Bulaga na anytime ay malayang makakalipat sa ibang network.
Nauna na ring naiulat na mas matimbang para sa TVJ ang offer ng TV5 kumpara sa ibang istasyon.
At kung magkakasarahan nga ng deal, malaking bentahe ito sa network na pag-aari ng business mogul na si Manny V. Pangilinan.
May nagtatanong: kung sakali raw bang ma-consummate ang deal sa pagitan ng TV5 at TVJ, posible rin kayang maka-back to back ng Eat Bulaga ang It’s Showtime?
And if ever it happens, malaki ang tsansang mapanood ang Eat Bulaga sa Kapamilya channel.
Well, the possibilities are endless! Ronnie Carrasco III