Home ENTERTAINMENT Kumpirmado: Echo at Kim, hiwalay na!

Kumpirmado: Echo at Kim, hiwalay na!

Manila, Philippines – Kapwa naitago nina Jericho Rosales at Kim Jones ang tunay na score sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

All this time pala, hiwalay na sila!

Echo and Kim were married on May 1, 2019.

Halos limang taon na silang hiwalay pagkatapos ng apat na taong pagsasama.

Ito ang ibinunyag ni Ricco Ocampo, may-ari ng isang eyewear shop at ninong nila sa kasal.

But unlike most if not all showbiz marriages, hindi naging bitter ang paghihiwalay nina Echo at Kim.

“Mutual decision at amicable agreement” daw nangyaring separation sa kanila.

It was gathered na kapwa binigyan nina Echo at Kim ang isa’t isa ng kalayaan para mag-grow sa kung saanmang direksyon ang nais nila.

Despite their breakup, nananatili pa ring magkaibigan ang former showbiz couple.

For Echo’s part, matatandaang panay ang iwas nitong sagutin ang mga tanong na may kaugnayan sa kanila ni Kim.

“I am under no obligation to explain anything,” prangkang standard answer ng aktor.

Kapwa masaya naman ang dalawa as they look back sa kanilang nakaraan.

Nakilala ni Echo si Kim sa pamamagitan ng misis ni Dominic Ochoa.

It was a date which at first ay inayawan ni Echo until he saw Kim’s photo.

Kim was born to a Filipino mother and a British father.

Tuloy pa rin ang creative collab nila with Echo as the producer and Kim as the writer, director and star of a film! Ronnie Carrasco III

Previous articleBrain chip tinesting sa tao
Next articleBalasahan sa PNP nagbabadya