Home NATIONWIDE Kumpirmasyon ni Recto sa CA, ‘di dadaan sa butas ng karayom –...

Kumpirmasyon ni Recto sa CA, ‘di dadaan sa butas ng karayom – Jinggoy

MANILA, Philippines – Madaling makalulusot si Secretary Ralph Recto sa kanyang Kumpirmasyon sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) bilang kalihim ng Department of Finance (DOF), ayon kay Senador Jinggoy Estrada.

Kasabay nito, magkakasabay na malugod na tinanggap nina Senador Nancy Binay at Lito Lapid ang pagkakatalaga kay Recto dahil bukod sa mahusay ito sa usapin ng pananalapi sa Senado, marami itong karanasan sa usaping pang-ekonomiya.

Sa pahayag, sinabi ni Estrada na may tradisyunal na parliamentary courtesy nag ibinibigay sa dating mambabatas sa Kongreso kapag sumailalim sila sa proseso ng kumpirmasyon sa CA bilang miyembro ng Gabinete o iba pang posisyon sa gobyerno.

“There is a traditional parliamentary courtesy accorded to former colleagues in Congress when they are subjected to confirmation process. By and large, it ensures the appointee a smooth-sailing confirmation process at the Commission on Appointments,” ayon kay Estrada.

Pero, aniya bilang isang miyembro ng collegial body, maaari lamang siyang magsalita para sa sarili, at hindi kayang panghimasukan ang proseso o magwagi sa kasamahan sa CA sa pag-aapruba ng presidential appointees.

“Wala akong nakikitang dahilan para hindi aprubahan ang pagkakatalaga kay Cong. Recto as finance secretary. As a former NEDA chief and Senate ways and means committee chairperson, he is qualified for the post and knows the ropes of the job,” giit ni Estrada.

Samantala, malugod na tinanggap din ni Lapid ang pagkakatalaga kay Recto sa pagsasabing “personal nitong kakilala bilang masipag, matalino, magaling na ekonomista at higit sa lahat may malasakit.

“Bilang bagong Kalihim ng Department of Finance, naniniwala ako na magagampanan ni Sec. Recto nang buong husay, may determinasyon at kumpiyansa ang pagiimplementa niya ng mga economic program ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr,” ayon kay Lapid.

Bilang mambabatas, dagdag ni Lapid na hindi matatawaran ang naging ambag at legasiya ni Sec. Recto sa pagsusulong ng ilang pagbabago at economic reforms upang umangat ang pamumuhay ng bawat Pilipino.

Aniya, bukas din ang isipan ni Recto na makinig at timbangin ang magkakaibang panig sa masasalimuot na usapin.

“Susuportahan ko ang mga economic reform measure at programs na itutulak ng Marcos administration para sa kapakanan ng buong bansa. Good luck!,” ayon kay Lapid.

Pinapurihan din ni Binay si Recto na kanyang kababayan sa lalawigan ng Batangas sa pagsasabing “well-deserved appointment as the new Secretary of the Department of Finance. “

“Perfect choice si Deputy Speaker Ralph as finance chief dahil sa kanyang malawak na karanasan bilang isang ekonomista, at sa kanyang di-matawarang kontribusyon sa pagsasaayos ng pananalapi ng bansa bilang NEDA chief at mambabatas,” ayon kay Binay.

Sinabi ni Binay na hindi na kailangan pang magsimula ni Recto sa ibaba upang matuto dahil mayroon na siyang karanasan sa iba’t-ibang senaryo at reyalidad na kinaharap ng bansa sa maraming hamon na dinanas ng Pilipinas.

“His expertise in finance and economics, and his experience in public administration are of great value to the Administration’s economic team,” ani Binay.

“Being our go-to and numbers-genius guy in the Senate when it comes to budget, taxation and finance, napakalaking bagay ang kanyang exposure pagdating sa paglalatag ng fiscal policy ng pamahalaan,” dagdag ng senadora.

Naniniwala naman si Senador Joel Villanueva na malaking tulong ang pagkakatalaga ni Recto sa kasalukuyang administrasyon dulot nang malawak na karanasa sa Sangay ng Lehislatibo at Ekhekutibo kabilang ang kaalamanan at kakayahan sa ekonomiya at patakarang pananalapi.

“He was our tax whiz back when he was still in the Senate which is why his appointment is definitely good news for the country,” ani Villanueva. Ernie Reyes

Previous article2 akusado sa iligal na droga inabswelto ng SC, kapalpakan ng pulisya pinuna ng Korte
Next article“EASE OF PAYING TAXES LAW” NILAGDAAN  NI PANGULONG BBM