Home NATIONWIDE Kumpirmasyon ni Ted Herbosa bilang DOH Secretary, sinuspinde ng CA

Kumpirmasyon ni Ted Herbosa bilang DOH Secretary, sinuspinde ng CA

MANILA, Philippines- Sinuspinde ng Commission on Appointments (CA) nitong Martes ang kumpirmasyon ng apppointment ni Teodoro “Ted” Herbosa bilang health secretary.

Tumagal ng halos apat na oras ang deliberasyon sa appointment ni Herbosa, bago suspindehin ng CA ang kumpirmasyon dahil sa kakulangan ng oras.

Itinalaga si Herbosa bilang health chief ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Hunyo 2023.

Bago ang kanyang kasalukuyang pwesto, nanungkulan si Herbosa bilang DOH undersecretary mula 2010 hanggang 2015.

Siya rin ay special adviser sa National Task Force Against COVID-19 sa kasagsagan ng pandemya. RNT/SA

Previous articleSB No. 2001 aprub sa Senado; Sen. Go idiniin kahalagahan ng Phil passport modernization
Next articlePCG nakatanggap lang ng P10M intel fund kada taon sa nakalipas na dekada