Home METRO Kush, cannabis gummy candies nasamsam ng BOC

Kush, cannabis gummy candies nasamsam ng BOC

MANILA, Philippines – NASAMSAM ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Port of Clark ang nasa 40 gramo ng high-grade Marijuana o Kush at sampung pouch ng Tetrahydrocannabinol (THC) Cannabis-Infused Gummy Candies na nakatago sa loob ng parsela na idineklara na naglalaman ng “sneakers” na nagmula sa New York, USA.

Ayon sa BOC, dumating ang nasabing parsela nitong Pebrero 1 at sumailalim sa x-ray scanning at K9 sniffing kung saan parehong nagpahiwatig ng posibleng pagkakaroon ng mga ipinagbabawal na gamot.

Dahil dito, agad na isinagawa ang isang physical examination kung saan nakita ang mga tuyong dahon at pinaghihinalaang High-Grade Marijuana o Kush.

Itinurn-over sa PDEA ang mga nakuhang samples para sa chemical laboratory analysis, na nagpapatunay sa pagkakaroon ng Marijuana na isang mapanganib na gamot sa ilalim ng R.A. No. 9165.

Isang Warrant of Seizure and Detention ang inisyu laban sa subject shipment dahil sa paglabag sa Section 118 (g), 119 (d), at 1113 par. f, I, at l (3 at 4) ng R.A. No. 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) na may kaugnayan sa R.A. No. 9165.

Sa direksyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang BOC na ginagabayan ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio, ay nangakong mananatiling matatag sa kampanya nito laban sa pagpupuslit ng iligal na droga.

“BOC pledges to prevent smuggling and protect the country’s borders and our citizens’ well-being against the dangers of illegal substances that intends to penetrate our communities,” giit ni Rubio. JAY Reyes

Previous articleP5.2M bloke ng marijuana nasabat sa 3 suspek
Next article10-year Maritime Industry Development Plan 2028 aprubado na