Home NATIONWIDE Kuwaiti gov’t sinupalpal ni Tulfo sa OFW crackdown

Kuwaiti gov’t sinupalpal ni Tulfo sa OFW crackdown

MANILA, Philippines – Sinupalpal ni Senate migrant workers committee chairman Raffy Tulfo nitong Martes, Hunyo 6 ang pamahalaan ng Kuwait sa iniulat na crackdown sa overseas Filipino workers (OFWs).

Ani Tulfo, isinagawa ang deportation ng nasa 350 Filipino habang nagpapatuloy ang negosasyon ng Pilipinas at Kuwait para ayusin ang pansamantalang deployment ban na ipinatupad sa first-time domestic helpers.

“We cannot come to the negotiating table on bended knees and folded arms. Imbes na masunod ang mga gusto nating terms at conditions, kabilang na ang apology from the Kuwaiti government, binabaliktad pa nila tayo,” pahayag ni Tulfo.

Ipinunto rin ng senador na kailangang maglagay ng shelter para sa mga OFW na tumakas sa kani-kanilang amo dahil marami ang natutulog na lamang sa kalsada habang naghihintay na maayos ang mga dokumento at mapauwi sa Pilipinas.

“Tandaan natin na ang mga OFW sa shelter ay naabuso at biniktima ng kanilang mga amo. We cannot expect them to stay in the house of the person who committed crimes against them nor seek help alone from a forum that is notoriously in favor of the abuser,” ayon kay Tulfo.

Matatandaan na nanawagan si Tulfo ng total deployment ban sa Kuwait kasunod ng insidente ng pagpatay kay Jullebee Ranara, OFW sa Kuwait na ang suspek ay mismong anak ng amo nito.

Bagama’t marami ang nagsusulong ng total deployment ban, kinontra naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang naturang hakbang at nagsabing mas mainam na pag-usapan na lamang ito kasama ang Kuwait para sa mas maayos na sitwasyon.

Noong Mayo, inanunsyo ng Kuwaiti government ang temporary suspension sa pagbibigay ng visa sa mga Filipino dahil sa di-umano ay paglabag ng Pilipinas sa bilateral agreement sa pagitan ng dalawang bansa. RNT/JGC

Previous articleKapakanan ng mga nars, isinusulong ni Bong Go
Next articleCNN, may offer sa EB; Abogado ng Tape, hinihingi ang password ng YouTube ng EB!