Home NATIONWIDE Kuweba sa Negros ipasasara sa pagkasawi ng treasure hunters

Kuweba sa Negros ipasasara sa pagkasawi ng treasure hunters

MANILA, Philippines – Ipinag-utos na ni Mayor Cezanne Fritz Diaz ng Siaton, Negros Oriental ang pagpapasara sa kuweba sa bulubunduking barangay ng Apoloy kasabay ng pagpapatupad ng ’round-the-block’ security kasunod ng pagkasawi ng dalawang treasure hunters noong nakaraang linggo.

Sinabi ni Maj. Danilo Santillan, Siaton police chief, na galit na galit ang alkalde nang malaman ag insidente na nangyari sa kuweba sa Sitio Binukgayan noong Pebrero 15.

“Mayor Diaz was very angry upon learning of the illegal activity and immediately ordered that the cave be sealed and to deploy barangay tanod there to prevent people from getting in,” ani Santillan.

Inatasan na si Barangay Apoloy chairman Jose Pat na siguruhing naka-kordon ang lugar.

Tumulong na rin ang dalawang detachment ng Philippine Army sa lugar sa pagmonitor ng kuweba.

Noong nakaraang linggo, dalawa ang nasawi sa posibleng pagka-expose sa toxic natural gas o suffocation nang subukan nilang higupin ang tubig papalabas sa isang inland pool sa bukana ng kuweba.

Tumanggi na ang mga pamilya ng nasawi sa autopsy sa mga bangkay.

Ayon sa pulisya, mayroong 15 katao sa grupo, na sinisiyasat na ng mga awtoridad, ngunit sinabi nilang hindi sila magkakakilala at kinuha lamang sila ‘randomly.’

Sinabi ng alkalde at kapitan ng barangay na illegal ang treasure hunting at hindi sila nagbigay ng anumang permit para roon.

Ang lugar kung saan matatagpuan ang kuweba ay matatagpuan 25 kilometro mula sa highway at “high-risk” dahil sa insurgency problem. RNT/JGC

Previous articleLecture sa dietary management sa iba’t ibang sakit idinaos sa Kamara
Next articleChinese Taipei isusunod ng Gilas