Manila, Philippines – It’s been months since hindi napapanood si Willie Revillame na nagho-host ng Wowowin.
Matatandaang February 2022 nang mamaalam ang kanyang programa sa GMA.
Dahil may standing offer sa kanya si dating senador Manny Villar, Willie opted to transfer his show to AllTV.
Sadly, pansamantalang natigil ang network operations nito, this despite the construction of Wowowin studio at Star Mall.
Aside from Wowowin, dalawa pang AllTV programs ang apektado.
Walang katiyakan kung kailan magbabalik sa ere ang Wowowin dahil marami pa raw ang dapat asikasuhin.
Ang latest na kumakalat: nagpasaklolo na raw si Willie kay Boss Vic del Rosario.
Ewan nga lang kung sa paglapit na ‘yon ng TV host ay automatic na ang nagha-handle sa career niya’y ang Viva Artists Agency.
Dati na namang si Boss Vic ang namamahala sa career ni Willie noong nasa TV5 pa ang programa nito.
Hindi nga ba’t nabanggit ni Cristy Fermin na wala itong ganansyang natanggap mula kay Willie for brokering his transfer to Kapatid network?
Advertisement