Home ENTERTAINMENT Kuya Wil, tumawag daw kay Tito Sen, nagpapalakad sa senado?

Kuya Wil, tumawag daw kay Tito Sen, nagpapalakad sa senado?

Manila, Philippines – Papalaot na rin sa mundo ng politika ang TV host na si Willie Revillame. At asahan na ngayon pa lang ay tiyak na maraming intriga na ang maglalabasan.

Tulad na lang ng balitang tumawag daw si Willie kay Tito Sotto para isama sa senatorial line-up ng dating senador sa susunod na eleksyon.

Nag-reak daw si Willie sa tsikang tumawag siya kay Tito at “nag-apply” maging isa sa mga senador sa tiket ng dating Senate President .

Tila nagbubuo na ng line-up ng mga gustong makasama sa tiket niya si Tito sa sususunod na eleksyon. At may posibilidad daw na muling tumakbo bilang Bise Presidente ito.

As for Willie, hindi namam lingid sa marami ang intensyon niya na pasukin na ang politika at tumakbo bilang senador sa susunod na halalan.

Pero ‘di rin niya itinatago na loyal supporter siya ni dating Presidente Rodrigo Duterte at close siya sa big allies nito gaya ni Senador Bong Go.

Noon pa man ay nililigawan na ng kampo ni Duterte si Willie na tumakbo. At ngayong nakapagdesisyon na ang TV host, it’s very natural na doon siya sasama sa mga taong matagal ng kumukumbinse sa kanya na tumakbo.

Wala rin naman tayong nabalitaan na nagkaroon ng samahan sina Willie at Tito.

Katunayan, lagi pang magkatapat ang mga programa nila sa pananghalian. Julie Bonifacio

Previous articleP3.5M shabu nasamsam, 6 na suspek huli
Next articleRendon, dinalaw si Boss Toyo, nagdala ng bulaklak ng patay!