Home ENTERTAINMENT Kuya Will, may anunsyo sa June!

Kuya Will, may anunsyo sa June!

388
0

Manila, Philippines- Walang dudang tadtad ng suspense ang pahayag ni Willie Revillame na may mahalaga siyang anunsyo sa darating na Hunyo.

Ilang araw na lang ay malapit nang manghalahati ang taong 2023.

Siyempre, ang inaasahang gagawing anunsyo ng TV host ay may kinalaman sa Wowowin.

Ilang buwan na ring tumigil ang pagsasahimpapawid nito sa AllTV buhat nang simulan ang pagsasaayos ng signal nito para makaabot sa buong kapuluan.

Kasunod nito’y ang pagbaklas ni Willie sa itinatag na network ni dating Senator Manny Villar.

Gayunpaman, kahit hindi na napapanood sa telebisyon ang Wowowin ay aktibo ang official Facebook page nito.

Pero balitang music video na lang ng mga awitin ng TV host ang mapapanood doon.

While in hibernation, naging productive din naman si Willie.

Para labanan ang sobrang pagkainip at pagkabagot sa kawalan ng programa’y tinutukan ni Willie ang kanyang private resort sa Puerto Galera.

Halinhinan din niyang tinutukan ang ipinatayong five-star hotel sa Tagaytay.

Gamit niya ang kanyang chopper sa tuwing bibisitahin niya ang kanyang resort at hotel.

Pero mula mismo sa bibig ni Willie, markahan daw sa kalendaryo ang buwan ng Hunyo para sa kanyang announcement.

Bagama’t wala pang eksaktong petsa, ngayon pa lang ay excited na ang mga tagasuporta ni Willie na malaman kung kailan at saang channel nakatakdang magbalik ang Wowowin.

Needless to say, malaki ang naging ambag nito higit lalo sa mga kababayan nating kapos sa buhay.

Karamihan nga sa mga matatanda ay nakatagpo ng pag-asa sa programang Wowowin bilang sagot sa problema nila sa pambili ng mga gamot.

Kung hindi na sa AllTV mapapanood ang Wowowin, saang channel kaya? Ronnie Carrasco III

Previous articlePreparasyon para sa SONA, umarangkada
Next articleAzkals Development Team ay umatras sa PFL, natitirang mga laban, na-forfeit

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here