Home ENTERTAINMENT Kyla, nakunan na naman!

Kyla, nakunan na naman!

Manila, Philippines- Hindi biro ang motherhood journey na pinagdaanan ni Kyla.

Sa kanyang guesting sa Magandang Buhay, ipinagtapat ng R & B singer na nakunan muli siya sa ikalimang pagkakataon.

Taong 2013 nang biyayaan sila ng asawang si Rich Alvarez ng supling they fondly called Toby.

The years that followed yielded unsuccessful pregnancies.

It was in 2018 when Kyla suffered two miscarriages.

As though it weren’t enough, nasundan pa raw ito noong 2021.

Kyla’s fourth pregnancy led to another miscarriage in 2022.

Just as she and Rich hoped na ang ikalimang pagbubuntis ng singer would be successful ay sumablay na naman daw.

Bago mag-Pasko last year ay nakunang muli si Kyla.

Pero may kasabihan ngang: “Hope springs eternal.”

Sa kabila kasi ng sunud-sunod na miscarriage na kanyang sinuong, Kyla hasn’t given up on her hope na siya’y magbubuntis uli at isisilang ang sumunod nilang supling nang matiwasay.

“Kumbaga, if ever I conceive with another child, bonus na lang ‘yon,” saad ni Kyla.

Sa kabila ng kanyang mga struggles ay hindi nagpapatinag si Kyla most especially with a supportive husband on her side. Ronnie Carrasco IIi

Previous articleFilipino seafarers, pwede nang tumanggi na dumaan sa Gulf of Aden – DMW
Next articleIsmagel na Bugatti Chiron pag-aari ng mga operator ng POGO – Gatchalian