Home ENTERTAINMENT Kyle, may tulog kay Grae!

Kyle, may tulog kay Grae!

Manila, Philippines – Kahit walang ka-love team si Andrea Brillantes sa seryeng “Senior High”, buhay na buhay naman ang kafaneyan nila ni Kyle Echarri.

Katunayan, mula nang mag-rigodon ang Gold Squad, marami ang umaasa sa kanilang tandem.

Sa kanyang Instagram account, hindi naman napigilan ni Grae Fernandez ang pagka-miss kay Blythe.

Kasama ang kontrobersyal na star, nag-post ito ng litrato nilang dalawa na may caption na: “I missed you Star. #SeniorHigh.”

Marami namang fans ang kinilig sa kanilang tambalan.

May mga nagsabi pa ngang may spark o chemistry ang dalawa.

Sey pa ng ilang nagmamaldita, mas may chemistry daw ang dalawa kumpara sa KyleDrea.

Hirit pa ng kibitzers, may ‘tulog’ daw si Kyle kay Grae.

Bukod kasi sa magaling umarte, simpatiko rin ito at malakas ang appeal.

Opinyon pa ng ibang mahadera, kuwidaw daw si Kyle kay Grae dahil aagawin nito si Blythe sa aktor.

Sina Andrea at Grae ay unang nagkasama sa seryeng “Pangako Sa Yo.”

Ito ang ilang sa mga komento ng netizens.

“Mas bagay sila.”

“Kabahan ka na, Kyle.”

“May tulog si Kyle kay Grae.”

“Mas may chemistry sila.” Archie Liao

Previous articleDigital TIN ID available na – BIR
Next articleDiether ‘di magpapatali nang basta-basta!