Home ENTERTAINMENT Kyline at Kobe, nahuling HHWW sa BGC!

Kyline at Kobe, nahuling HHWW sa BGC!

Manila, Philippines- Hindi na nga maaaring itanggi nina Kyline Alcantara at Kobe Paras na tila may namumuong “something” sa kanila.

Isa kasing Instagram user na @the_oscarbrad ang naglabas ng resibo.

Ang katibayan: maikling video na nagpapakitang magka-holding hands ang dalawa habang naglalakad sa Bonifacio Global Center o BGC.

Maiksi man ang video’y marami namang netizens ang kinilig sa sweetness nina Kyline at Kobe.

Matatandaang naging usap-usapan ang respective past lovelife ng dalawa.

Kyline was recently linked to Mavy Legaspi.

Si Kobe nama’y naugnay nang panandalian sa anak ni Ina Raymundo now Mrs. Poturnak.

Sa ngayon, puro social media sightings lang ang masasabing telltale signs that something romantic exists between Kyline and Kobe.

Si Kobe ay anak ng dating cager at komedyante na ngayong si Benjie Paras kay Jaclyn Forster.

Susunod na ang pag-amin ng dalawa? Ronnie Carrasco III