Home OPINION KYUSI BRGY CHAIRMAN INIREKLAMO SA OMBUDSMAN

KYUSI BRGY CHAIRMAN INIREKLAMO SA OMBUDSMAN

Taong 2016 nang magsimulang magtrabaho si Hernando Compendio bilang Barangay Public Safety Officer   ng Barangay  Kaligayahan, Quezon City.

Nguni’t  noong Hunyo 2022, verbal na  pinagsabihan, walang notice o pabatid, na hindi na siya pinapasok ni Barangay Kaligayahan Chairman Alfredo Roxas matapos magkasakit o matapos mastroke ang una.

Ilang buwan ang lumipas ay naka-recover ito sa karamdaman kaya’t nakiusap si Compendio kay Roxas para payagan siyang muling makapagtrabaho  sa barangay.

Subalit hindi na siya tinanggap ng kabesa de barangay hanggang madiskubre niya na tinanggal nga siya sa trabaho subalit kasama pa rin ang pangalan niya sa listahan ng mga sumusweldong empleyado ng barangay Kaligayahan.

Sa kanyang pagsasaliksik, napag-alaman ni Compendio na ang kanyang pangalan ay kasama pa sa payroll ng nasbaing barangay mula Enero hanggang Disyembre, 2022.

At sa tulong na rin ng mga dokumento na nakalap sa QC City hall, nabatid na ang mga sangkot sa anomaly ay sina Roxas, Brgy Secretary Martha de Jesus at Treasurer Hersiree Santiago.

Kaya naman, nais ni Compendio na papanagutin ang mga ito dahil sila ang nagsabwatan sa pagtanggal sa kanya ng verbal subalit gamit pa rin ang pangalan niya sa pagtanggap ng sahod na dapat sana ay kanya dahil nais naman niyang pagpatuluan iyon ng sariling pawis.

Sa Personnel Schedule and Compensation ng Barangay Kaligayahan ani Compendio, ginamit ang kanyang pangalan upang makasingil ng P170,118 para sa taong 2023.

Mula nang ipinatigil ito ni Roxas sa trabaho bilang BPSO, ‘di na natanggap ang P11,500 kada buwan na suweldo mula Hunyo 2022 hanggang December 2022. Sa madaling salita, may kumukolekta nito pero hindi naman si Compendio.

Ang ginawa nina Roxas, De jesus at Santiago ay paglabag  sa Republic Act 2013 o Anti-graft law bukod pa sa salang falsification of documents  para makapanlinlang o makadaya sa kaban ng bayan.

Ang reklamo ni Compendio laban kay Roxas at dalawa pang barangay officials ay isinampa na noong Agosto 8  ngayong taon sa Office of the Ombudsman.

Parang kaso raw ito ng isang sikat na QC councilor na nasintensyahan ng korte dahil sa paggamit ng kung kani-kaninong pangalan tapos siya ang kumukubra ng buwanang suweldo.

Previous articleANGAT DAM TUMAAS MULI SA 199.42 METERS MULA SA CRITICAL LEVEL
Next articleNAKASASAMA SA MATA NG PUBLIKO