Home METRO La Mesa Ecopark muling binuksan

La Mesa Ecopark muling binuksan

MANILA, Philippines – Matapos ang ilang buwang rehabilitasyon ay muling binuksan ang La Mesa Ecopark sa ilalim ng bagong pamunuan na Manila Water Foundation (MWF).

Layon ng ecopark na magkaroon ng kaunawaan ang mga bumibisita para protektahan ang mga watershed at rainforest.

“We are in a climate crisis, climate change, and it’s high time we understand the vital role that forests play in sustaining our planet,” sinabi ni MWF executive director Reginald Andal.

“So by visiting the La Mesa Ecopark, you are contributing to a greater cause which is supporting biodiversity and enhancing the climate resilient,” dagdag pa niya.

Sakop ng Phase 1 ng rehabilitasyon ng La Mesa Ecopark ay ang La Mesa Ecopark Administration Building, Eco Academy Pavilion, Viewing Deck, Souvenir Shop, Group Activity Area, at Picnic Area, na nagpopromote ng biodiversity conservation sa lungsod.

Marami pang mga aktibidad ang inaasahan sa naturang parke na nagbukas sa publiko nitong Sabado ng hapon.

Matatandaan na isinara sa publiko noong Pebrero ang parke para sa rehabilitasyon.

“The La Mesa Ecopark will be a place to commune with nature without traveling far,” ayon kay Manila Water president Jocot de Dios. RNT/JGC