Home NATIONWIDE La Niña nakaambang maramdaman sa Hunyo

La Niña nakaambang maramdaman sa Hunyo

MANILA, Philippines- Inihayag ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato Solidum Jr. nitong Martes na mayroong 62% tiyansang maranasan ng bansa ang La Niña pagsapit ng Hunyo.

”As mentioned, the El Niño in the tropical pacific continues to weaken but the impacts like hotter and drier conditions will continue. Although the El Niño will transition to neutral by April, May, June 2024 season, there is also the increasing probability of La Niña at 62% in June, July, August season,” pahayag ni Solidum sa Palace press briefing.

”Also, we need to emphasize that historically, pre-developing La Niña is characterized by below normal rainfall. Therefore, the possibility of a slight delay of the onset of rainy season is likely and its effect will combine with the effects of the ongoing El Niño,” patuloy niya.

Karaniwang dulot ng La Niña ang above-normal rainfall conditions. Kabilang sa potensyal na epekto nito ang pagbaha at pagguho ng lupa sa vulnerable areas, base sa PAGASA.

Subalit, sinabi ni Solidum na hindi agad mararamdaman ang epekto ng La Niña. Aniya pa, ipagpapatuloy ng mga ahensya ng gobyerno ang pagpapatupad sa mga aksyon sa El Niño saka maghahanda para sa La Niña.

Inihayag ito ni Solidum sa paglalatag niya kasama ang iba pang government officials, kay Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr., ng tugon ng pamahalaan sa El Niño at outlook sa La Niña. RNT/SA

Previous articleP5.27M shabu nasabat sa buy-bust
Next articleBong Go sa publiko ngayong Holy Week: Ingat sa biyahe, alagaan ang kalusugan