Home METRO La Union, Cotabato nakaramdam ng mala-impyernong init

La Union, Cotabato nakaramdam ng mala-impyernong init

MANILA, Philippines – Nakaramdam ng malaimpyernong init ang dalawang lugar sa bansa nitong Huwebes, Marso 21, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sinabi ng weather bureau na nakapagtala ng ‘dangerous’ heat index sa La Union at Cotabato City, Maguindanao.

Umabot ang heat index sa 46°C sa La Union kung saan ang heat cramps at heat exhaustion ay posibleng maranasan.

Binalaan din ng weather bureau ang publiko sa mga lugar na may heat index na 42-51°C na posibleng heat stroke kung tuluy-tuloy ang paggawa ng mga aktibidad.

Batay sa heat index forecast sa susunod na dalawang araw, sinabi ng PAGASA na maaaring maramdaman ang delikadong heat index na 46°C sa La Union. RNT

Previous articleContracts of service sakop sa one year appointment ban sa mga natalong kandidato sa eleksyon
Next articlePinas pahinga muna sa bagong milyonaryo sa lotto