Home NATIONWIDE La Union nakapagtala ng 550K tourist arrivals noong 2023

La Union nakapagtala ng 550K tourist arrivals noong 2023

MANILA, Philippines – Patuloy na nakarerekober ang turismo sa La Union sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Ito ay makaraang maitala ang mahigit 550,000 turista na bumisita sa probinsya noong 2023.

Ayon sa provincial government, 550,359 turista ang bumisita sa La Union noong nakaraang taon, 11% na pagtaas mula sa 494,387 noong 2022.

Kinilala naman ni Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David ang tagumpay na ito.

“This love month, our hearts are warmed with the wonderful news that tourism in La Union continues to rise, after the slump from the pandemic,” ani David.

Sa nasabing bilang, 6,450 ang international at 543,909 naman ang domestic tourists.

“This data does not include the number of day visitors who come to our province for a quick getaway given our proximity to key cities in the country,” ayon kay David.

Nakapagtala rin ng 16% na pagtaas sa tourism revenue ang dagsa ng mga turista, o mahigit P1 bilyon noong 2023 mula sa P897 milyon noong 2022.

Naitala noong Abril ang pinakamataas na bilang ng mga bumisita sa 68,567.

Nananatiling top tourist destination sa La Union ang Urbiztondo Beach na may 257,559 day visitors. Sinundan ito ng Namacpacan Church sa Luna sa 172,758 at Macho Temple sa City of San Fernando na may 165,436.

Kamaramihan sa mga lokal na turista ay mula Manila, Central Luzon, Calabarzon at Cordillera Administrative Region.

“We thank our visitors for their love and support for the province of La Union. We are truly delighted and grateful for the continuous growth and development in our tourism sector. This will certainly bring more opportunities to our local businesses and strengthen our local economy as we gear towards positioning La Union to be the heart of agri-tourism in Northern Luzon by 2025,” ani Ortega. RNT/JGC

Previous article7 pulis demoted, 17 suspendido sa illegal na pag-aresto sa Chinese nationals
Next articleObrero itinumba sa Ilocos