Laban ni Tyson, pinanabikan

Laban ni Tyson, pinanabikan

May 23, 2020 @ 6:53 AM 5 days ago

  •  
  •  
  •  
Share

MANILA, PHILIPPINES – Umani ng milyon-milyong suporta mula sa fans at mga boxing champion ang muling pagbabalik sa ring ng 53-year-old na dating kinatatakutang heavyweight champion na si Iron Mike Tyson.

Isa rin sa nagpahayag ng suporta ay si WBA, IBF, WBO at IBO heavyweight champion Anthony Joshua.

Ayon kay Joshua, natitiyak niyang maraming fans ang nasasabik na mapanood muli ang pagtapak at paglaban sa ring nang hinahangaang beteranong boksingerong si Tyson.

Natitiyak din umano niyang hahakot ang nasabing laban ni Tyson ng maraming mga viewers.

Matatandaang si Tyson ang tinaguriang pinakabatang heavyweight champion sa edad 20-anyos noong 1986, subalit taong 1992 nang makulong siya sa kasong rape na naging sanhi nang pagbagsak ng kanyang career.

Nitong nakaraang linggo, nagpahayag ng interest si Tyson na muling magbalik sa ring upang lumaban sa isang charity boxing match  para  matulungan ang mga naapektuhan ng coronavirus pandemic.Rico Navarro

Share

Leave a Reply

Loading...