Home NATIONWIDE Labor deals ikakasa ng DMW sa Oman, UAE

Labor deals ikakasa ng DMW sa Oman, UAE

MANILA, Philippines – Makikipag-usap ang Department of Migrant Workers (DMW) sa mga matataas na opisyal ng paggawa mula sa Oman at United Arab Emirates (UAE) sa Hulyo upang magbigay ng mas maraming trabaho sa mga Pilipino.

Sinabi ni DMW Secretary Susan Ople na nais ng mga opisyal ng Oman na lumikha ng kauna-unahang bilateral labor agreement sa Oman.

Dagdag pa ni Ople na tinitignan ng Oman na kumuha ng mga manggagawa sa mga hotel at restaurants, ang iba ay sa tourism industry at construction.

“May ginagawa silang tatlong free zone kaya mangangailangan sila ng maraming workers from the Philippines. Kaya gusto nila magkaroon ng bilateral labor agreement,” saad ni Ople.

Sinabi pa ni Ople na hindi nagbigay ng saktong bilang ang mga opisyal ng Oman kung ilang mangaggawa ang kanilang kailangan para sa free zones.Ngunit idinagdag na maaring aabot sa libo ayon sa inisyal na pag-uusap.

Tinitignan din ng mga opisyal ng UAE na kumuha ng mga maggagawang Pilipino sa pamamagitan ng  business-to-business ventures at government-to-government programs, ayon kay Ople.

Ipinaliwanag niya na ang hakbang na magdala ng mga Pilipinong mamumuhunan ay bahagi ng economic diversification program ng bansa.

Base sa datos mula sa DMW, mayroong higit 7,000 overseas workers ang kasalukuyang nasa Oman, habang mahigit 91,000 Filipino ang nagtatrabaho sa UAE.

Idinagdag ng DMW na ang mga opisyal ng UAE ay nakatuon din sa pagtulong sa Pilipinas na labanan ang human trafficking. Susuriin din ng mga opisyal mula sa magkabilang panig ang pagbuo ng mas malakas na pakikitungo sa usaping ito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePension fund ban ‘di balakid sa intensyon ng Maharlika Fund
Next articleDavao-PNP blangko pa rin sa gumahasa, pumatay sa architect-engineer

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here