Home HOME BANNER STORY Labor group nag-aalala: ‘Bagong Pilipinas’ rally may kaugnayan sa Cha-cha?

Labor group nag-aalala: ‘Bagong Pilipinas’ rally may kaugnayan sa Cha-cha?

MANILA, Philippines – Sinupalpal ng ilang grupo ang planong malawakang rally ngayong araw, Enero 28 na umano’y kick-off ng “Bagong Pilipinas”, ang branding ng administrasyong Marcos, na posibleng ito’y may kaugnayan umano sa isinusulong na Cha-cha.

Nasa 200,000 ang lalahok sa rally, na ayon sa Presidential Communications Office ay paalala sa bansa na “to transform the Filipino with Filipino pride.”

Batid ng Partido Manggagawa na may karapatan naman si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mag-organisa ng mga rally ngunit nababahala pa rin umano sila na baka may kaugnayan ang event sa People’s Initiative signature campaign upang rebisahin ang 1987 Constitution.

“The invitation, with its directive tone to barangay officials to attend the Luneta Rally on Sunday, to be graced by the President himself, cannot be dismissed as mere coincidence,” pahayag ni PM chair Renato Magtubo, na tinutukoy ang hinihinalang circulars at memoranda na nag-aatas sa mga lokal na opisyal na lumahok sa rally.

Aniya, ang pagpapalutang sa “Bagong Pilipinas” na inilunsad na noong nakaraang taon, “can only be linked politically with the most active, well-organized, administration-led PI campaign for [Charter Change].”

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng Bayan Muna party-list na may namonitor itong mga kautusan na inisyu ng ilang mga opisyal sa pamahalaan, na nag-uutos sa kanilang mga staff na dumalo sa rally. Ang pagkain at transportasyon umano ng mga ito ay sasagutin ng pamahalaan.

Anang grupo, ang “frivolous affair” na ito ay pagwaldas sa pera ng taumbayan na ginamit na lang sana sa social services.

“These unconscionable and desperate measures are using millions of government funds for a program so similar to the despised ‘Bagong Lipunan’ of yore,” sinabi ni dating Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite.

Ayon sa PCO, ang kick-off ng “Bagong Pilipinas” ay pangungunahan ng Pangulo. Kasama niya rito ang buong pamilya, mga miyembro ng gabinete, mga opisyal ng pamahalaan, artista at iba pang entertainer. RNT/JGC

Previous articleEx-PRRD dadalo sa prayer rally vs Cha-cha
Next articlePAO Chief Persida, may mensahe sa PMPC!