MANILA, Philippines- Nagsagawa ng bilateral meeting sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ang Crown Prince of Kuwait na si Sheikh Mishal Al-Ahmad Al-Jaber Al-Sabah, nitong Biyernes sa sidelines ng 2023 ASEAN-GCC Summit sa Riyadh, Saudi Arabia.
Iniulat ng Presidential Communications Office na tinalakay ng dalawang pinuno ang labor relations.
Anito, inihirit ng crown prince ang bilateral meeting.
Sa kasalukuyan ay wala pang karagdagang detalye hinggil dito.
Noong Mayo, pansalamantalang sinuspinde ng Kuwait lahat ng bagong visas para sa mga Pilipino sa gitna ng pag-init ng sigalot sa pagitan ng oil-rich Gulf state at Manila ukol sa worker protections at employer rights.
Pinairal ang visa suspension matapos itigil ng Pilipinas noong Pebrero ang first-time deployment ng domestic workers sa Kuwait matapos madiskubre ang bangkay ng domestic worker na si Jullebee Ranara sa Kuwaiti desert noong Enero. RNT/SA