Home NATIONWIDE Labor tripartite group nangako sa pagpapatupad ng PH jobs plan

Labor tripartite group nangako sa pagpapatupad ng PH jobs plan

MANILA, Philippines – Nangako ang labor tripartite group na ipatutupad ang PH jobs plan makaraang pagtibayin nito ang tripartite partner mula sa sektor ng paggawa, employer, at pamahalaan na suportahan ang Philippine Labor and Employment Plan (PLEP) 2023-2028 tungo sa pagsasakatuparan ng mga layunin nito.

Ito ang tampok sa ginanap na 2023 National Tripartite Conference (NTC) na pinangunahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong Nobyembre 16-17 sa Pasay City.

Binigyang-diin ng kalihim ng DOLE at tagapangulo ng NTC na si Bienvenido E. Laguesma ang kahalagahan ng tripartismo sa relasyong-industriyal.

Ipinahayag din ng kalihim na ang pagtitipon ay bilang suporta sa adhikain ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isang “Bagong Pilipinas” na itinatag sa prinsipyong “demokratiko, inklusibo, participatory, responsable at consensus-driven na pamamahala.”

Pinagtibay sa dalawang araw na kumperensya ang NTC resolution na naglalaman ng tripartite statement of support at action plan.

“Kinikilala namin na ang PLEP 2023-2028 ay isang tripartite document na naglalaman ng kolektibong pagpapasiya at pangako sa pagkilos ng pamahalaan, social partner, at lahat ng iba pang stakeholder tungo sa pagsasakatuparan ng isang moderno, progresibo, ligtas, at inklusibong lipunan sa ilalim ng isang rehimen ng katarungang panlipunan,” ang nakasaad sa tripartite statement.

Sa nasabing dokumento, inaatas din ang pagtatatag ng isang oversight committee sa ilalim ng istruktura ng National Tripartite Industrial Peace Council (NTIPC) “na susubaybay sa implementasyon ng PLEP 2023-2028 at magbigay ng karagdagang mga rekomendasyon upang matiyak na ang mga patakaran at programa sa paggawa ay tumutugon sa patuloy na pagbabago sa mundo ng paggawa.”

May temang, “Shared Labor Market Governance in Achieving Decent Employment for All,” ang kumperensya ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa NTIPC, mga Regional TIPC, mga Industry Tripartite Council, at mga stakeholder ng pamahalaan.

Tinalakay ng mga lumahok sa kumperensya ang mga priority strategic areas ng PLEP sa pagpapataas ng pagigiging produktibo, kapaki-pakinanabang, malayang pagpili, at napapanatiling trabaho at mga oportunidad sa trabaho; pagtiyak ng pamamahala ng merkado ng paggawa na gumagalang sa lahat ng pangunahing alituntunin at karapatan sa trabaho, internasyonal na pamantayan sa paggawa, at karapatang pantao; gayun din sa pagbuo ng isang patas at inklusibong panlipunang proteksyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleIndibidwal na inakusahan na nag-upload ng ‘VIP’ traffic video naghain ng counter affidavit
Next articleP10.2B illegal na droga nasabat ng BOC noong 2022