Home ENTERTAINMENT Lady Xi Shem at INRI Soldier of God, proud sa Pulahan!

Lady Xi Shem at INRI Soldier of God, proud sa Pulahan!

Manila, Philippines- Sobra ang pasasalamat ng grupong INRI Haring Bakal sa pagpapala na kanilang natanggap.

Isa na rito ang award na nakamit sa Dangal ng Lahi Awards bilang Philippines Men of Achievements and Inspiring Youth Leader and Humanitarian Advocate of the Year.

Kasama na rin dito ang pagdating ng pelikulang Pulahan na gagampanan ng mga kasapi ng INRI Haring Bakal.

Tampok sa pelikula si Lady Xi Shem bilang si Gabriela Silang, kasama ang lead katipunero na si Jun Rosco at ibang katipunero na gagampanan ng INRI Haring Bakal members. Written and directed by Rey Coloma, ito ay mula sa Coloma International Talent Management, Events, And Film Productions.

Pinagmamalaki at proud si Lady Xi Shem sa nasabing pelikula.

Ang INRI Soldier of God (ISOG) known as Pulahan ay rehistrado sa SEC bilang Spiritual group and Humanitarian Advocate sa Pilipinas. Founded ito ni Ginoong Elino B. Lagare.

Sa administrasyon ni Supreme Director Ramon Barbon II, Chairman & Prime Director of Luzon Jeritz P. Roso, kabilang sa hanay ng mga opisyal nito sa mga nangungunang kabanata ng Luzon na sina John Gregor Cruz, Louie Anthonee A. Delos Santos, Mark Ian Jimenez, Carlo Ormido Porta Jr, James Jordan Bonifacio, Bernie Rey Martinez, Nino Alhambra, Jaime Bonifacio, Theresa Dela Cruz at Jack Connor.

Ang pananaw ng Pulahan ay ang itaas ang kamalayan para sa mas mataas na suporta at mga mapagkukunan upang magbigay ng mga serbisyong humanitarian, pagsusulong ng mga mithiin at prinsipyo, kabilang din ang pagtuturo sa mga kabataan ng mabuting pagpapahalaga sa paglilingkod sa Diyos, pamilya, at bansa.

Ang kanilang misyon ay bumuo ng isang kampanyang multimedia gamit ang social media, mga video, mga pelikula, at infographic upang itaas ang kamalayan tungkol sa kahalagahan ng serbisyo sa komunidad. Lalo na sa mga lugar na labis na naapektuhan ng mga kalamidad, sa mga maralitang tagalungsod, mga pamilya at indibidwal na may mga hamon sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

Ang INRI Haring Bakal ay may misyon na maglingkod sa gobyerno o pampublikong institusyon. Sila ay nagbabahagi ng mga paniniwala at nagtuturo ng gawaing misyonero at mga bagay na pinahahalagahan, itaguyod ang paggalang sa isa’t isa, pagtutulungan sa komunidad, pagkakaunawaan, at mapayapang pakikipamuhay.

Abangan ang pelikulang INRI Soldier of God dahil sa aral na mapupulot dito at inspirasyong ihahatid nito sa madla. Nonie Nicasio

Previous articleWalang inaasahang bagyo ‘gang sa pagtatapos ng 2023 – PAGASA
Next articlePBBM admit nakatutok sa pag-abot sa single-digit poverty rate – NEDA