Manila, Philippines- Si Madonna Paz Johnson o mas kilala sa pangalang Lady Xi Shem ay tinaguriang “High Priestess” dahil sa pagiging spiritual adviser nito.
Isa siyang celebrity sa dami ng kanyang followers.
Itinaguyod niya ang Wicca Philippines Group – isang non-profit organization na rehistrado ng Securities and Exchange Commission o SEC na may adhikaing magtanim ng puno, linisin ang kapaligiran at tumulong sa nangangailangan. Naordinahan na ministro ng Universal Life Church sa Amerika.
Isa siyang Spiritual Mystic, Shaman healer ng USA, Chairman at CEO ng Xi Shem Corporation.
Bukod dito, si Madonna o Lady Xi ay isa ring entrepreneur, actress, model/influencer, USA Ambassador ng Coloma International Talent Management Events Film Productions Incorporated at film producer.
Dahil sa kanyang kagandahang loob, ilan sa mga kabutihang nagawa nito ay ang sumusunod: naging education scholarship sole contributor siya mula taong 2001, nakahiligan niya ang pagsasagawa ng feeding program para sa mga bata magmula 2003, naging sole contributor sa pagbibigay ng ayuda sa mga nasalanta ng bagyo at pagputok ng bulkan simula taong 2020, at naging adhilain din niya ang magandang pamamalakad ng gobyerno, humikayat at magbigay ng payo sa mga tao.
Kinilala si Lady Xi hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.
Ilan sa mga ito ay ang natanggap niyang parangal na Jury Special Mention Award ng Wallachia International Film Festival sa Bucharest Romania, Best Feature Film ng Nawada International Film Festival sa India, Best International Short ng New Jersey Film Awards, at World Carnival Singapore awardee. Nagkamit din siya ng Special Mention sa London International Film Festival at Reels International Film Official Selection.
Hinirang bilang Most Outstanding High Priestess, Dakilang Filipino Awards 2022 & 2023, Actress, Model & Humanitarian of the Year, Gantimpalang Pilipino Awards 2023, Most Remarkable Spiritual Mystic of the USA and Asian Countries at Ambassadress and Philanthropist of the Year.
Sa paglipas ng panahon, mas nagiging kilala pa siya dahil sa iba’t-ibang parangal.
Nagkamit din si Lady Xi o Madonna bilang Renowned Spiritual Mystic ng Dangal ng Lahi Awards 2023, High Priestess and Philanthropist of the Asian Countries, Spiritual Mystic in Asian Countries and USA dahil sa pangalan nitong Lady Xi Shem.
Ginawaran siya bilang Outstanding Actress and Humanitarian para sa taong 2023 at ASEAN Youth Organization. Itinanghal din siya bilang Most Remarkable Mystic, Ambassadress, Philanthropist and Humanitarian of the Asian Countries and USA at PEARL of the Orient Awards.
Bukod pa rito, nakilala din siya bilang Asia’s Most Iconic Spiritual Mystic-Philanthropist of USA, Asian Countries and Ambassadress of the Year, sa Asia Pacific Luminare Awards, Most Influential Spiritual Mystic and Philanthropist of the Year, Most Influential Filipino Awards, World Class Excellence Japan Awards at Most Renowned Spiritual Mystic of the Year. Kamakailan lang ay ginawaran din siyang Most Innovative Spiritual Mystic/Adviser, Philanthropist and Empowered Women of the mula sa Alliance of Hospitality and Tourism Movers of the Philippines.
Nominado siya as Most Influential Spiritual Mystic and Philanthropist of the Year para sa kategoryang Most Influential Filipino Awards at pararangalan bilang Outstanding Actress/Model/Influencer of the Year ng Gawad Awards Amerika 2023. Gaganapin ang nasabing parangal sa darating na ika-18 ng Nobyembre 2023 sa Los Angeles, California.
Sa likod ng mga parangal at tagumpay na kanyang nakamit, patuloy pa rin siyang gumagawa ng kabutihan sa ibang tao.
Maaari itong kontakin sa kaniyang official FB page na Xi Shem Official, mag-email sa [email protected], o tumawag sa numero bilang (+639) 27615524/(+639) 283963924 para sa kaniyang mga ritwal, tarot readings at pang pang-ispiritual. Nonie Nicasio