Home NATIONWIDE Lagay ni Pope Francis matapos tamaan ng sakit sa baga, mas bumuti...

Lagay ni Pope Francis matapos tamaan ng sakit sa baga, mas bumuti na

VATICAN – Si Pope Francis, na dumaranas ng lung inflammation ay nagsabi na mas bumuti na ang kanyang pakiramdam, bagama’t kailangan pa niyang higpitan ang kanyang pakikipag-usap.

“I am much better but I have difficulty when I talk too much,” sabi ng Papa sa kanyang weekly audience.

Noong nakaraang linggo, kinailangan ng Papa na kanselahin ang kanyang biyahe sa COP28 climate summit sa Dubai dahil sa utos ng kanyang doktor matapos na magkasakit bunsod ng problema sa kanyang baga.

Sa kanyang pananalita sa kanyang weekly audience nitong Miyerkules, mahina ang boses ng Papa na nanawagan ng panalangin para sa mga tao sa Ukraine, Israel at ang sinakop na teritoryo ng Palestine na dumaranas sa epekto ng digmaan.

“War is always a defeat, nobody wins, everybody loses, only the arms manufacturers win,” sabi pa ni Pope Francis.

Pinangunahan din niya ang dalawang araw na pagpupulong ng Council ng Cardinals na binubuo ng close advisors, na nakatutok sa papel ng mga kababaihan sa Simbahan, sinabi ng Vatican noong Miyerkules. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleBabae na most wanted sa Malabon, nabitag
Next article‘No permit, no exam’ policy, ipinagbawal ng Kongreso