Home NATIONWIDE Lahat ng dokumento, panayam na kailangan sa imbestigasyon, ibibigay ng NFA –...

Lahat ng dokumento, panayam na kailangan sa imbestigasyon, ibibigay ng NFA – DA

MANILA, Philippines – Siniguro ng Department of Agriculture (DA) nitong Biyernes, Marso 22, na ibibigay ng National Food Authority (NFA) ang lahat ng kailangang impormasyon para sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa umano’y pagbibenta ng rice buffer stock ng ahensya.

Ang pahayag na ito ng DA ay kasunod ng ulat na hinaharang umano ng hindi pinangalanang opisyal ng NFA ang mga dokumentong kailangan para sa imbestigasyon ng Office of the Ombudsman.

“Nag-utos na rin si Secretary (Francisco) Tiu Laurel Jr. sa bagong naitalagang OIC (Officer-in-charge) Administrator si Director Larry Lacson na siguraduhin na lahat ng dokumentong kinakailangan ng Ombudsman ay maibigay kaagad,” sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa sa Bagong Pilipinas Ngayon briefing.

“Nangako si Administrator Larry Lacson na lahat ng dokumento ay maibibigay agad at lahat ng taong kailangang ma-interview ay ma-i-interview,” dagdag pa niya.

Puspusan ang imbestigasyon ng Ombudsman kasabay ng imbestigasyon na isinasagawa rin ng DA.

Sa kasalukuyan, 24 sa 141 suspended officials at mga empletado ng NFA ang inalis na ang suspension order, kabilang ang 23 warehouse supervisors at branch manager.

Kamakailan ay ipinag-utos ng DA ang paglilipat ng pamumuno sa mga deputy supervisor upang masigurong magpapatuloy ang operasyon ng mga ikinandadong warehouse sa buong bansa.

Ito ay upang masiguro rin na tuloy-tuloy ang pagbili ng palay kasabay ng peak ng harvest season, kung saan nakakakuha ang bansa ng 300,000 metric tons ng national rice buffer stock. RNT/JGC

Previous articleLahat ng illegal na istruktura sa Chocolate Hills, alisin – DENR
Next article‘Person of interest’ sa pagsaboy ng asido sa lady guard, arestado na