Home OPINION LAHAT NG KABUTIHAN SA MUNDO

LAHAT NG KABUTIHAN SA MUNDO

KAHIT pa pagsama-samahin ang lahat ng mabuting pakikisama mula sa 7,100 isla ng Pilipinas, hindi pa rin nito mahihimok ang China na maging patas sa usapin ng South China Sea. Kinakatawan ng 130 diplomatic protests ang maraming beses na nilabag ng China ang mga hangganang pangkaragatan na nasasaklawan ng exclusive economic zone ng Pilipinas at nagpasaway simula nang maging presidente si Ferdinand Marcos Jr. noong kalagitnaan ng 2022.

At para sa mga Pilipino — na kinikilala bilang isa sa mga pinakapalakaibigang tao sa Earth — kaunting-kaunti na lang ang natitira sa ating pasensiya. Dalawang araw pa lamang ang nakalipas nang sabihin ni Rep. Luis Raymund F. Villafuerte ng Bicol na ang anomang diplomatikong negosasyon sa China ay mayroong “zero chance of reaching a peaceful settlement.”

Ang nakakalungkot lang, nakararaming Pilipino ang sasang-ayon sa kanya na halos wala nang silbi ang anomang diplomatikong ugnayan sa matinding gaslighting at walang basehang iginigiit ng China. At kung napansin man ng president ng China na si Xi Jinping, kinakatawan ng kaparehong sentimyento ang pandaigdigang komunidad.

Ang pagtanggi ng Beijing na tumalima sa paraang diplomatiko at ang patuloy na panggigipit nito sa mga Pilipinong mangingisda ay maituturing nang diplomatic hooliganism. Ang pangangailangan ng Pilipinas na paigtingin ang pagpapatrolya nito at palakasin ang alyansa sa Amerika at sa iba pa nating kaalyado sa rehiyon, gaya ng Japan, ay isang nakakalungkot pero kinakailangang pagtugon sa walang pakundangang pag-atake ng China.

Panahon nang sitahin ng mundo ang mga ginagawa ng China: lantarang pagpapakita ng diplomatic bruteness na dapat lang tapatan ng matindihan na pandaigdigang pagkondena, o marahil, ng lahat ng kabutihan sa daigdig.

Mga kasinungalingan at panloloko

Kinailangan ko pang i-Google ang gaslighting at ikonekta ito sa mga nakalipas na pahayag mula sa tagapagsalita ng Chinese Foreign Ministry na si Wang Wenbin — perpektong paglalarawan sa nakahuhumalingan ng China na mga kasinungalingan at panloloko. Ang paninisi sa Pilipinas sa tumitinding tensyon sa mga pinagtatalunang maritime territories habang ipinagkikibit-balikat ang mga agresibong pagkilos ng China, ay isang klasikong halimbawa ng diplomatic gaslighting.

Ang anunsiyo ni Pangulong Marcos sa Japan nitong weekend na isinusulong niya ang isang “paradigm shift” sa pakikipag-ugnayan sa China ay walang ipinagkaiba sa paghingi ng saklolo.

                                *        *       *

SHORTBURSTS. Para sa mga komento at reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-post sa @Side_View sa X.

 

Previous articlePASKO AT ANG MUSIKANG FILIPINO
Next articleTRAUMA INFORMED APPROACH SA KOMUNIDAD, KAILANGAN