Home NATIONWIDE Lahat ng sektor kumilos, magtulungan para sa pag-unlad ng bansa – Pimentel

Lahat ng sektor kumilos, magtulungan para sa pag-unlad ng bansa – Pimentel

MANILA, Philippines- Nanawagan si Surigao del Sur Representative Johnny Pimentel sa lahat ng sektor na tumulong sa administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos upang madala ang ekonomiya ng bansa sa bagong panahon ng pag-unlad.

Ang panawagan ay ginawa ni Pimentel sa harap na rin ng patuloy na pagbatikos ng ilang kritiko sa Marcos administration.

Sinabi ni Pimentel na matapos mapag-isa ng kasalukuyang administrasyon ang bansa upang suportahan ang mga prayoridad na programa nito ay mayroong mga sektor na hindi nasisiyahan ang nagbabato ng mga walang basehang alegasyon upang papangitin ang imahe ng Pangulo at mga kaalyado nito.

Ayon kay Pimentel, kakaiba ang oportunidad sa kasalukuyan dahil ito ang unang pagkakataon makalipas ang 18 taon na ang kandidato sa pagka-Pangulo at ang kanyang running mate ay parehong nanalo kaya maaaring magtrabaho ang dalawa nang magkasama.

“All sectors should take advantage of this rare opportunity instead of trying to drive a wedge between President Bongbong Marcos and VP Sara Duterte who have succeeded in working together in bringing back the nation on the path of robust economic growth,” ani Pimentel.

Panawagan ng mambabatas, iwasan muna ang politika dahil malayo pa ang susunod na presidential election.

“Ang bansa muna ang unahin natin, bago ang ating mga pulitikal na interes. Malayo pa po ang eleksyon. Yung kapakanan muna ng mga kababayan natin ang atupagin natin,” dagdag Pimentel.

“Our President should be given all the support he needs especially at this time as he continues to work hard in protecting the purchasing power of Filipino families, creating more jobs and providing aid to the poorest of the poor,” ayon pa sa mambabatas.

Sinabi ni Pimentel na dapat sundan ng mga lider ang mga ginawa ni House Speaker Martin Romualdez na ang magandang pamumuno ay nagresulta sa magandang nagawa ng Kamara.

“Another thing that they can learn from the Speaker: He backs his words with tough action. When he warned smugglers and hoarders that the law would catch up on them, he did not just sit down and did nothing after these pronouncements. He joined customs officials in inspecting rice warehouses,” sabi ni Pimentel.

Dapat din umanong tularan ng mga lider ang ginagawa ni Romualdez kaugnay sa mga kritiko at naninira sa kanya.

“When his detractors spoke ill of him, he did not stoop down to their level. He showed strength of character and a high degree of professionalism by ignoring their unfounded allegations and focusing instead on making the House a highly respected and productive institution on his watch,” sabi pa ni Pimentel.

Ani Pimentel, dapat itigil na ang paghihilahan pababa bagkus suportahan ang mga lider para magampanan ang kanilang mandato. Gail Mendoza

Previous articlePagtanggal sa EDSA People Power anniversary bilang holiday kinastigo
Next articleProtest venues sa Jordan pinaiiwasan sa mga Pinoy