MANILA, Philippines – Buo pa rin ang suporta ng mga partidong Lakas-Christian Muslim Democrats, National Unity Party (NUP) at Nationalist People’s Coalition (NPC) para kay Speaker Martin Romualdez kasunod ng mga usap-usapan ng planong pagpapatalsik sa kanya.
Sa pahayag, sinabi ni Lakas-CMD co-chairperson Senator Ramon Bong Revilla Jr. na ang kanilang partido na maituturing na most dominant political party, ay patuloy na nagkakaisa at suportado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ilalim ng pangunguna ni Romualdez.
Si Romualdez ang siyang pangulo ng Lakas-CMD.
“Through the darkest of storms and greatest of tribulations, we have proven time and again that our unity will never be torn down,” ani Revilla.
Sa hiwalay na pahayag, sinabi rin ng NUP na suportado nila ang koalisyon na binuo ni Romualdez, at nangako itong ipagpapatuloy ang pakikipagtulungan sa Speaker.
“We are witness on how Speaker Romualdez has steered the House in legislating key reform measures included in the 8-Point Socio-Economic Agenda of the Marcos administration,” ani NUP chairperson Ronaldo Puno.
Advertisement