Home SPORTS Lakers kinapos sa Nuggets sa Game 1

Lakers kinapos sa Nuggets sa Game 1

517
0

MANILA,         Philippines – Kinapos ang ikinamadang 40 points, 10  rebounds, tatlong steals at dalawang block  ni Anthony Davis matapos silang talunin ng Denver Nuggets, 132-126 sa Game 1 Western Conference NBA Finals ngayong Miyerkules.

Tinapyas ng Lakers ang 21-point second-half deficit ng Nuggets pero kinapos pa rin sila at naubusan ng oras.

Matapos mag-timeout habang may limang kalamangan na lang ang Nuggets sa nalalabing 26.1 segundo, naagaw sa Nuggets ang bola sa kamay ni LeBron James.

Sinelyuhan ni Nikola Jokic ang panalo sa pamamagitan ng free throws para sa kanyang 34-point, 21-rebound, 14-assist, triple-doble.

Dinala ni Anthony Davis ang Lakers na may 40 puntos at 10 rebounds habang si LeBron James ay may 26 points, 12 rebounds at siyam na assists.

Pinangunahan ni Austin Reaves ang late charge sa kanyang 11 sa kanyang 23 puntos sa fourth quarter.

Si Jamal Murray ay may 31 puntos at ang dating Lakers guard na si Kentavious Caldwell-Pope ay umiskor ng 21.RNT

Previous articlePalasyo nirerespeto ng Senado sa pagmamadali nito sa MIF
Next articleSingapore envoy pinasalamatan ni PBBM sa pagpapalakas ng ugnayang PH-Singapore

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here