Home Entertainment Lala, pinersonal; ka-look-alike daw ni BB!

Lala, pinersonal; ka-look-alike daw ni BB!

907
0

Manila, Philippines – Ad hominem.

Ito ang kadalasang panangga ng ilang taong sa halip na sagutin o i-address ang isang kontrobersyal na isyu’y namemersonal na sa kanilang mga atake.

Ganito ang kinapapalooban ngayon ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chair Lala Sotto.

Dahil sa ipinataw na 12-day suspension ng nasabing ahensya sa It’s Showtime ay si Sotto ang nasa receiving end ng mga batikos lalo na ng mga tagasuporta ng programa.

Ang patung-patong na paglabag ng It’s Showtime lalung-lalo na ang “icing-licking” sa Isip Bata segment nito ang sinasabing basehan ng desisyon ng board.

Bukod sa may mga umaapelang magbitiw na sa puwesto si Lala ay hinihingi rin ng ilang mga netizens na patawan din ng ganoong parusa ang E.A.T. sa ngalan ng pagiging parehas.

Ang ama ni Lala na si Tito Sotto ang isa sa mga pangunahing hosts nito.

Ayon sa mga netizens, may mga paglabag din daw ang E.A.T.

Nilinaw naman ni Lala na nag-inhibit siya nang ibaba ang verdict sa It’s Showtime.

Bagama’t issue-related naman ang pagbatikos ng marami sa MTRCB at sa naging hakbang nito, hindi nakaligtas si Lala sa pamemersonal sa kanya.

Naglipana sa social media ang ilang memes involving Lala’s alleged anti-gay stand kaugnay ng pagdila ng icing ng magkarelasyong sina Vice Ganda at Ion Perez.

Ilan lang sa mga memes ay: “‘Yung galit ka sa kabaklaan, pero kamukha mo naman si BB Gandanghari!”

Hinanapan pa talaga ito ng kalakip na litrato ni Lala to prove her resemblance to BB.

Hindi ba’t personal na ang atakeng ‘yon?

Ano naman kasi ang kinalaman ng nananahimik na si BB sa naging desisyon ng MTRCB sa It’s Showtime?

At ano ang implikasyon pag sinabing Lala looks like BB?

As if naman ay may bearing ito as far as discharging her official duties is concerned, eh, wala naman! Ronnie Carrasco III

Previous articleMarco, ‘di pwede sa frontal nudity, magagalit si Cristine!
Next articlePagdakip sa pasahero sa NAIA sa ‘mistaken identity,’ pinalagan ng solon

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here