Home METRO Lalaki nang-catcall, patay sa bugbog sa Maynila

Lalaki nang-catcall, patay sa bugbog sa Maynila

MANILA, Philippines – Patay sa bugbog ang isang lalaki nitong Lunes, Disyembre 25 matapos ang umano’y catcalling incident sa Sampaloc, Manila.

Sa CCTV footage, makikita ang lalaking si Molan Villamor na binugbog ng grupo ng mga lalaki sa Galicia Street.

Sinubukan pang atakihin ng mga suspek ang isa pang lalaki na sumubok na pahintuin ang gulo.

Isinugod si Villamor sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival.

Sa imbestigasyon, lumitaw na nagsimula ang gulo habang nag-iinuman ang grupo, kung saan kabilang ang biktima, at nang-catcall ng isang dumaraang babae.

“Tinawag siya ng isa sa mga nag-iinuman na yun, kung saan medyo hindi naging maganda ang dating sa babae, kaya nagsumbong siya sa kaniyang mga magulang,” ayon kay Manila Police District Homicide Chief Police Captain Dennis Turla.

Kinompronta umano ng kaanak ng babae ang grupo ng biktima, at makalipas ang ilang sandali ay sinubukang lumapit ng grupo ng biktima upang humingi ng tawad sa mga suspek.

Sa kabila nito, inatake pa rin sila at doon na nagsimula ang gulo.

“Akala namin okay na. Noong paalis na kami, pagtalikod, biglang may sumapak sa pinsang kong nasa likod,” sinabi ni Darwin Domingo, kaanak ng biktima.

“’Yun nga yung masakit eh. Yung part na hindi niya naman kasalanan. Gusto niya lang humingi ng pasensiya dahil sa hindi niya kasalanan. Doon pa siya napahamak,” dagdag pa niya.

“Inutusan lang po akong bumili ng itlog sa sulukan, tapos biglang may tumawag sa akin. Tinawag lang po akong ‘idol.’ Pagkasitsit po sakin, tinuro ako. Tapos sabi niya, ‘ito ito idol ko ito’ hanggang sa sumagot ako tapos bigla na lang nagmura ang isang lalaki. Sa sobrang galit din po, kasi tinawanan din po ako ng lalaki na yun e,” sinabi ng babaeng sinitsitan.

“Dinepensahan ko lang din po ang sarili ko. Sobrang gulo na rin kasi noong time na ‘yun,” dagdag ng isa sa mga suspek.

Itinanggi naman ng pamilya ng biktima ang alegasyon ng mga suspek. RNT/JGC

Previous article161K arrivals naitala ng BI sa Christmas weekend
Next articleHigit 31K jeeps sa NCR nanganganib mawalan ng prangkisa sa deadline ng consolidation