Home METRO Lalaki patay, angkas sugatan sa banggaan

Lalaki patay, angkas sugatan sa banggaan

LUNA, Isabela-PATAY ang isang lalaki habang sugatan ang angkas nito matapos bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo ng SUV, Linggo sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Cristito Resane, 28-anyos, may asawa habang sugatan ang angkas nitong si Nico Mangguba, 36-anyos at kapwa residente ng San Miguel, Luna, Isabela.

Hawak naman ng pulisya ang driver ng SUV na kinilalang si Richard Fernandez, 55-anyos, may asawa at residente ng Lalog 2, Luna, Isabela.

Batay sa report ng Luna Police Station, naganap ang insidente sa kalsadang sakop ng bayang ito.

Sa imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ni Resane ang motorsiklo angkas si Mangguba at binabaybay ang kalsada ganun din si Fernandez.

Bigla na lamang umanong napunta ang motorsiklo sa linya ng SUV dahilan para bumangga ito at sumemplang sa kalsada.

Agad naman dinala sa ospital ang dalawa ng mga rumespondeng rescuer ng Luna subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ng hininga si Resane.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente. Mary Anne Sapico

Previous articleHigit 6,700 katao inilikas sa bagyong Kabayan, shear line sa Caraga – NDRRMC
Next articlePamahalaan ‘di titigil sa paglaban vs NPA, terrorist groups – Defense chief