Home HOME BANNER STORY Lalaki, patay sa landslide sa Mt. Province

Lalaki, patay sa landslide sa Mt. Province

MANILA, Philippines – Patay ang 38-anyos na lalaki nang matabunan ng landslide na naganap sa Sitio Pakkil, Caluttit, Bontoc, Mountain Province sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Egay.

Sa ulat ng Bontoc Municipal Police Station at 2nd Mountain Province Provincial Mobile Force Company, tumama ang malawakang landslide sa nabanggit na lugar at natabunan ang palayan at barong-barong kung saan tumutuloy ang dalawang indibidwal.

Kinilala ang natagpuang bangkay sa putikan na si Mangintee Para-es Sagandoy, may-asawa, residente ng Betwagan, Sadanga.

DInala pa sa Bontoc General Hospital ang biktima ngunit kalaunan ay nasawi rin.

Samantala, nagawa namang makatakas ng kasamahan nito na si Julio Farongkey sa tinutuluyan nilang barong-barong bago pa man ito matabunan ng landslide.

Hinimok naman ng mga awtoridad ang mga residente na naninirahan sa landslide prone areas na agad na lumikas bilang pag-iingat sa tuloy-tuloy pa rin na malalakas na pag-ulan dala ng bagyong Egay. RNT/JGC

Previous articleGinang patay sa hagupit ni Egay sa Isabela; 36 bayan lubog sa baha
Next articleTINGNAN: Pinsala ng bagyong #Egay sa Calayan, Cagayan